• beach resort (bíts re•sórt)

    1. :
      páligúan at bahay-bakasyunan sa tabíng-dagat
  • resort (rí•zort)

    1. 1:
      pook na karaniwang pinupuntahan ng mga taong nais magbakasyon o magli-bang
    2. 2:
      a
      tao o bagay na hinihingan ng tulong
      b
      paghingi ng tulong
    3. 3:
      tendensiyang pumunta o dumayo sa isang pook o tendensiyang dayuhin o puntahan
  • beach morning glory (bits mór•ning gló•ri)

    1. :
      gunagapang na yerba (Ipomea pescaprae), silindriko ang tangkay, eliptiko ang dahon na 10 sm ang habà, at , hugis kampanang mapusyaw na lila ang bulaklak